Monday 16 February 2015

"Magkabilang Mundo"

LDR o Magkabilang mundo isang relasyon na napaka hirap at challenging yong tipong facebook, viber, skype at kung ano-ano pang social media ang pagitan natin. 

Araw-araw na mimis kita subra at alam mo yan na kaka lungkot lang isipin na wala ka sa tabi ko. May time gusto kitang yakapin, mahawakan, makasama at maka tabi..

Pero hanggang isip ko lang yun at dapat kong tanggapin ang katotohanan na malayo ka sakin at hindi kita makaka sama sa ngayon. 

Na mis kita subra pero wala akong magawa antayin ka. January, february, march --ohhh myy gosshh ilang buwan pang dadaan. 

Hindi po talaga biro ang mag hintay ng ilang araw , buwan at taon. Sympre hindi biro ang mag hintay at umasa. Mahirap ang hindi ka kasama..Swear!

Alam ko naman na mahal mo'ko at mahal kita, mahal natin ang isat-isa.

Ang ikina tatakot ko kasi marami pa tayong pagsubok na haharapin. Everyday, different circumstances.

Tampohan, duda, pataasan ng pride, selos at misunderstanding. Pero bakit? Kasi mahal kita..

Nahihirapan ako pag may time na hindi tayo nag kaka intindihan, lalo nat malayo tayo sa isat-isa. di madali para sakin kung nag aaway tayo at the more na mimis kita. 

Everytime pag may na kikita akong couple hay nako na iingit ako sa kanila subra. 

Pero may time nakaka pag isip ako kung anu-anung tanong.. kung kaya mopa kaya to? Pagod kana ba? Makaka pag antay kapa kaya til mag kita tayu ulit? Basta madami lang yan kahit anu lang na iisip ko. Takot lang siguro ako mawala ka sa buhay ko.

Pero kahit layo mo sakin na gagawa mo parin akong pasayahin kahit sa simpling bagay , na papangiti mo parin ako :) 

Though i'm happy that i have someone special to miss at IKAW yun. 

Lalabanan ko relasyon natin hanggat kaya ko pa, kasi ngayun isa lang pangarap ko ang makasama ka ulit :(

At willing akong tuparin ang mga promises natin..Bukas, makalawa, mag kikita pa ulit tayo..

Kunting tiis lang ,pagkatapos ng matagal na pag-aantay will be all worth in the END. Wag ka muna bumitaw, kaya natin to.

Kahit malayo ka, hindi ka na naman malayo sa puso't isip ko.

May time nga na nagagalit ka parang gusto nalang kitang e hug at sasabihin ko sayo sorry na! wag kang mag alala di kita iiwan, saiyo lang ako. ikaw ang gusto ko. makasama mo ako forever. 

Kahit malayo ka sa'akin,  isa lang masasabi ko sayo "MAMAHALIN KITA NG TUNAY". 

#People who are in a long distance relationship are the strongest people..


                                  By Garnetaki

Thursday 29 January 2015

"Sa FACEBOOK nag Simula"

Maraming nag sabi na masarap daw ma INLOVE.. Alam mo yung feeling na kikiligin ka sa mga sinabi nya?


Ako si LADY..25 years old, Single..

Dumating ang araw sa FACEBOOK may nag ADD sakin. si BOY. Inaccept ko. Tiningnan ko ang Profile nya, WOW! GWAPO!! 

Hindi nag tagal nag PM sya sakin..
BOY: Hello.. Lady thanks for accepting my friend request
LADY: :) :) (smiley)
BOY: ang cute mo naman :-D
LADY: :) Thanks!!

Tuloy- tuloy ang araw na mag ka chat kami, hanggang dumating sa point hiningi nya ang number ko. Tatawag daw sya para marinig nya ang boses ko..

Nong magka-usap na kami lagi nya akong bini-biro. Hindi lang sampong beses sa isang araw sya tumatawag. Pag gising ko sa umaga, habang nasa biyahe ako papuntang trabaho, break time ko at before ako matulog sa gabi.

Nag enjoy ako na lagi kong kausap si BOY..mabait sya at ma-aalahanin.

Ka chat ko lagi si Boy sa Facebook, Tumatawag sya at nag uusap kami ng matagal. Ang sweet nya panay magagandang salita ang sinasabi..

"Sino ba naman ang hindi ma iinlove dun diba?" 

Sa ilang days naming magka chat dumating rin sa point na nag tanong syang manligaw.

Kinakabahan ako, natutuwa, kini-kilig, nalilito- yan ang na ramdaman ko.

Nong una sinabi kong "Ayaw ko" pero hito parin sya.. Hindi ma alis-alis sa kanya na mag tanong kung pwede bang manligaw...

Hanggang dumating ang araw na nag I-I LOVE YOU na sya pero dedma ko lang o yung sagot ko AHHH OKEY! 

Before mag december ito na ang time na nag-pplano na akong sagutin sya kasi alam at ramdam kona sa sarili ko na may gusto na din ako sa kanya.

Lagi kong tini-tingnan ang cellphone ko kung may mensahe ba sya o wala..

Napapa-isip ako minsan baka may ka chat syang iba pero dina-divert ko nalang na baka busy lang talaga sya. 

Pero hindi Eh! Kasi dumating yung time na bihira na kaming mag chat sa FACEBOOK kumapara dati na araw-araw.

Hanggang dumating sa time na nawala na talaga like "ITS OVER"..

Tama nga na MASAKIT pala sa part yung liligawan ka tapos pag na FALL kana saka nalang maglaho. ANO YUN MULTO???

May time na namiss ko sya kasi hindi ako sana'y na hindi ko sya ka chat, hanggang sa INOPEN ko FB nya.. Yun pala may bago na syang nililigawan.

Ano yon? Gagawin nya rin yung ginawa nya sakin? Tapos may masasaktan na naman ng dahil sa kanya?

Sympre hindi maalis sa akin ang mag selos at naging malungkot ako. Dito narin nag start na natakot na akong ma INLOVE-

Kaya hindi kona pinayagan na may manligaw ulit sakin kasi ayoko ng MASAKTAN.


                              By: Garnetaki•